
Inihayag ng Malacañang na hindi pa naghahanda si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng kanyang legal na depensa laban sa dalawang impeachment complaints na isinampa laban sa kanya.
Inaasahang magbobotohan ang House Committee on Justice kung sapat ang nilalaman ng mga kaso sa Miyerkules.
Ani Palace Press Officer Claire Castro, igagalang ng Pangulo ang proseso at sasagot lamang ayon sa takbo nito.
Isa sa mga reklamo ay isinampa ng pribadong abogado at sinuportahan ng Pusong Pinoy Partylist, habang ang isa naman ay mula sa mga progresibong grupo at sinuportahan ng Makabayan bloc, na parehong naglalaman ng alegasyon ng kickbacks at iba pang paratang na hindi pa napatunayan.










