
Nakalusot na sa House Committee on Dangerous Drugs at Committee on Health ang pinag-isang bagong panukalang batas na naglalayong gawing gamot sa sakit ang cannabis o marijuana.
Ang nasabing panukala ay muling binuhay sa 20th Congress matapos mabigong mapagtibay sa mga nakalipas na Kongreso.
Ang medical cannabis ay legal na ginagamit sa ilang mga bansa tulad ng Canada, Germany, Israel, Australia, at maging sa iba pang estado ng Amerika sa mga may kondisyon ng sakit tulad sa epilepsy, nausea at iba pa.
Sa kabila nito, ayon sa anti-narcotics body ang cannabis ay isa pa rin umanong mapanganib na uri ng gamot.
Sakaling mapagtibay, magkakaroon ng access sa medical cannabis ang mga nangangailangan nito pero dapat ay sa medikasyon lamang at hindi para gamitin ito sa overdose o bisyo.
Nakasaad sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na ang pagtatanim, pag-iingat, paggamit, pagbebenta, administrasyon, dispensasyon, delivery at distribusyon para sa transportasyon ng marijuana ay may kaparusahan sa ilalim ng batas.










