Niratipikahan na ng Senado ang Bicameral Conference Committee report ng Senate Bill 2816 at House Bill 11287 kaugnay sa disagreeing provisions ng panukalang suspensyon ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sa December 2025.

Ayon kay Senator Imee Marcos, author at sponsor ng panukala sa Senado, nagkasundo ang dalawang kapulungan na ipagpaliban sa Nobyembre 2026 ang halalan.

Kasama rin sa inaprubahan ang pagtatakda sa apat na taon ang termino ng mga halal sa Barangay at SK officials.

Nakasaad sa panukala na hanggang tatlong sunod na termino ang maaaring takbuhan ng mga barangay officials, habang isang termino lang ang itinatakda para sa SK.

Ikinatuwa rin ng senador ang katiyakan natuloy na ang eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Oktubre.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, eksaktong 8:51pm ay nag-adjourn sine die o isinara na ang 3rd regular session ng 19th Congress.