TUGUEGARAO CITY- Kakasuhan ng PNP ang isang pastor , isang barangay kagawad at secretary at tatlong iba pa na nahuli dahil sa pagsasagawa ng misa kahapon sa Brgy. San Antonio, Enrile.
Sinabi ni PMAJ Lorvin Layugan ng PNP Enrile, Cagayan, nagsagawa sila ng operasyon matapos na malaman na muling nagpamisa si Pastor Victor Mangoma ng Presbyterian Church na una nilang pinagsabihan sa una nitong ginawang misa sa gitna na rin ng pagbabawal ng mass gathering dahil sa banta ng covid-19.
Ayon kay Layugan, nasa 30 ang dumalo sa misa sa San Antonio, Enrile subalit anim lang ang kanilang nahuli matapos na magtakbuhan ang iba nang makita ang mga pulis.