Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Pinay tennis sensation Alex Eala para sa tagumpay nito sa unang round ng US Open.
Sa social media post sinabi ng pangulo, na nagsisimula pa lang si Eala sa pagpapamalas ng kanyang talento at galing sa entablado ng naturang kompetisyon.
Ayon sa pangulo, kasama ni Alex sa kanyang laban ang buong Pilipinas, na sumasaludo at nagpupunyagi sa kanyang galing at tagumpay.
Binigyang-diin din ng pangulo ang patuloy at sama-samang pagsigaw at pagsuporta ng buong bansa sa galing ng mga atletang Pilipino, na ibinabandera ang watawat ng Pilipinas sa iba’t ibang kompetisyon, saan man sa mundo.
-- ADVERTISEMENT --