
Pumanaw na si Benjamin “Bong” Duterte, ang pinakabatang kapatid ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa kumpirmasyon ng mga kaanak at tagasuporta noong Sabado.
Unang ibinahagi ang balita ng pinsan niyang si Nitzkie Lopez Sodusta sa Facebook. Hindi isinapubliko ang sanhi ng kanyang pagpanaw.
Nagpaabot din ng pakikiramay ang ilang tagasuporta ni Vice President Sara Duterte, gayundin si dating presidential spokesperson Harry Roque.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang pamilya Duterte kaugnay ng pagpanaw ni Bong Duterte.










