Nakalatag na ang mga hakbang na ipapatupad ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa nakatakdang rally umano ngayong hapon sa Manila ng mga supporter ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, nakatutok ang pulisya sa napapabalitang rally sites at normal sa kanilang hanay na magpatupad ng alert status upang matiyak ang kanilang kahandaan.
Ayon sa kanya, sa tuwing may nagsasagawa ng rally ay laging may presensiya ang mga pulis para bantayan at protektahan ang mga magsasagawa ng pagtitipon, para sa kanilang kaligtasan at seguridad.
Kasabay nito, sinabi ni Fajardo na wala pa naman silang namonitor na nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga nagra-rally na nagpapakita ng suporta kay Duterte.
Isasagawa umano ang rally sa Liwasang Bonifacio sa Manila.