
Ayon kay Sen. Ronald dela Rosa, sinasabi niyang nasa Senate library umano sina dating Sen. Antonio Trillanes IV at ilang mga operatiba ng National Bureau of Investigation, at pinigilan pa raw siyang makapasok sa gusali ng Senado.
Dahil dito, sinabi ni Senate President Alan Peter Cayetano na palalabasin ng Senado ang mga NBI operatives. Samantala, pinapayagan naman si Trillanes na manatili bilang dating senador.
Sa hiwalay na pangyayari, naglabas ng subpoena ang Criminal Investigation and Detection Group laban sa kampo ni Dela Rosa, kung saan inuutusan siyang dumalo sa Camp Crame sa Mayo 14.










