Sinalakay ng mga otoridad ang Philippine Offshore Gaming Operator (Pogo) hub in Pampanga at hinuli ang 157 na dayuhan at 29 Filipinos.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), katuwang ang Philippine National Police units, hinuli nila ang 186 individuals sa loob ng POGO complex sa Friendship Highway, Angeles.

SInabi ng PAOCC, ang operasyon ay sa bisa ng warrant na inilabas ni Presiding Judge Maria Belinda Rama of Malolos Regional Trial Court, Branch 14 laban sa mga opisyal at mga empleyado ng Lucky South 99.

Ang warrant ay inilabas ng korte kasunod ng impormasyon na natanggap ng PAOCC mula sa confidential informants tungkol sa isang babaeng dayuhan na dinala sa nasabing lugar at ang mga lalaking dayuhan ay pinahirapan.