Nanawagan si Pope Leo sa mga lider ng mundo na wakasan ang tinawag niyang kabaliwan ng digmaan, kasabay ng pagsisimula ng pag-uusap ng Estados Unidos at Iran sa Pakistan upang tapusin ang anim na linggong labanan.

Sa isang prayer vigil sa St. Peter’s Basilica, binatikos ng papa ang paggamit ng relihiyon bilang dahilan sa digmaan at nagbabala sa lumalalang kawalan ng balanse sa mundo.

Hinimok niya ang mga pinuno ng bansa na mag-usap at maghanap ng solusyon sa pamamagitan ng dayalogo at hindi sa pagpapalakas ng armas.

Kilala si Pope Leo bilang maingat magsalita ngunit naging lantad na kritiko ng nagpapatuloy na labanan sa Iran. Muli rin niyang binanggit ang pagtutol ng Simbahan sa 2003 invasion of Iraq bilang paalala sa epekto ng digmaan.

Iginiit din niya na hindi dapat ginagamit ang pangalan ng Diyos upang bigyang-katwiran ang karahasan, at binigyang-diin ang patuloy na pagkasira ng pagkakaisa ng sangkatauhan dahil sa mga armadong tunggalian.

-- ADVERTISEMENT --