
Umakyat muli sa mahigit $100 kada bariles ang presyo ng langis noong Linggo matapos sabihin ni US President Donald Trump na magpapatupad ng blockade sa lahat ng barkong sumusubok pumasok o lumabas sa Strait of Hormuz, na nagbabantang lalo pang makagambala sa daloy ng langis.
Ang Brent crude, ang pandaigdigang benchmark, ay tumaas ng 8% at nasa humigit-kumulang $102.
Ang US crude naman ay tumaas din ng 8% sa $104.
Bumagsak ang Dow futures ng 1.04%, o 502 puntos.
Ang S&P 500 futures ay bumaba ng 1%, at ang Nasdaq futures ay bumagsak ng 1.15%.
Binigyang-diin ni Trump na hindi nila papayagan na kikita ang Iran sa pagbebenta ng langis sa mga bansa na gusto nila at hindi sa iba.
Ang banta ni Trump ay matapos na mabigo ang peace talks, kung saan nagsilbing tagapamagitan ng Pakistan, na walang nabuong kasunduan.
Nagalit si Trump matapos na tumanggi ang Iran na isuko ang kanilang patuloy na paggawa ng nuclear weapons.
Ayon sa US Central Command, magsisimula ang blockade ng alas-10 ng umaga ngayong araw.
Lumikha ng mga pangamba ang pagbagsak ng peace talks, na posibleng muling magkakaroon ng labanan na magreresulta sa mas mataas na naman na enerhiya at krudo at magdudulot ng pinsala sa shipping at oil at gas facilities.
Dahil dito, nanawagan ang Pakistan sa Iran at US na patuloy na kilalanin at irespeto ang umiiral na pansamantalang ceasefire.









