Mananatili sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) custodial center sa Camp Crame, Quezon City si Apollo Quiboloy at apat na kapwa niya akusado sa mga kasong child at sex abuse at human trafficking.

Sinabi ito ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa kabila ng kautusan ng Quezon City Regional Trial Court na ilipat sa New Quezon City Jail sa Payatas sina Quiboloy at Cresente Canada habang sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada, at Sylvia Camanes ay dalhin sa Quezon City Jail-Female dormitory sa Camp Karingal.

Ayon kay Fajardo, nakatanggap din sila ng kautusan mula sa Pasig City Court na nag-aatas sa PNP na manatili sa kanilang kustodiya ang mga nasabing akusado.

Sinabi pa ni Fajardo na ayaw nilang ilagay sa panganib ang paglilipat sa mga akusado sa kulungan at maglagak sila ng piyansa.