
Mariing pinabulaanan ni dating pangulo at ngayon ay Rep. Gloria Macapagal Arroyo ang mga ulat tungkol sa umano’y planong pagpapatalsik kay House Speaker Faustino Dy III bilang Speaker ng House of Representatives.
Reaksyon ito ni Arroto sa ulat na lumabas kahapon na may mga plano na patalsikin si Dy bilang Speaker.
Dagdag pa niya, buo ang kanyang tiwala sa pamumuno ni Dy at nananatili ang kanilang matagal nang ugnayan.
Si Arroyo ay nagsilbing Speaker ng Kamara mula 2018 hanggang 2019.
Ang kanyang pag-upo noon sa posisyon ay bunga ng isang “coup” laban kay Pantaleon Alvarez, ilang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) nang noon ay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kasalukuyan, iginiit ni Arroyo na walang katotohanan ang mga balitang may kinalaman siya sa anumang hakbang upang patalsikin ang kasalukuyang lider ng Kamara.










