
Arestado ang isang Regional No. 6 Most Wanted Person ng Valencia Municipal Police Station, sa Police Regional Office (PRO7) sa pinagsanib na operasyon ng Lal-lo Police Station at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, kamakalawa sa ng hapon sa bayan ng Lal-lo, Cagayan.
Kinilala ang suspek na si aka Andong, 52-anyos, isang Russian national, may asawa at negosyante, na kasalukuyang naninirahan sa Negros Oriental.
Ang suspek ay inaresto sa bisa ng mga Warrant of Arrest kaugnay ng paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act na inisyu ng Branch 31, Dumaguete City, na may petsang Pebrero 9, 2026, para sa apat na bilang ng Service of Warrant at isang bilang ng Service of Sentence, na pawang walang inirekomendang piyansa.
Bukod dito, naisilbi rin ang hiwalay na Warrant of Arrest na may petsang Oktubre 13, 2023, na inisyu rin ng parehong hukom kaugnay ng apat na bilang ng paglabag sa RA 9262.










