Inamin ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na may narinig siyang haka-haka tungkol sa umano’y traydor sa inner circle ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Subalit sinabi niya na hindi umano niya kilala ang nasabing tao.

Ayon kay Dela Rosa, wala siyang alam kung ang nasabing tao ay si National Security Adviser Eduardo Año, na nagsilbing kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong Duterte administration.

Sinabi niya na hindi pa sila nagkakausap ni Año.

May lumabas kasi na haka-haka na may isang tao ni Duterte ang bumaliktad, kung saan kinumbinsi niya ang dating pangulo na umuwi ng bansa noong March 11 mula sa Hong Kong sa kabila na may naghihintay sa kanya na warrant of arrest mula sa International Criminal Court.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na sinalubong ng warrant of arrest si Duterte pagdating niya sa Manila mula sa Hong Kong.

Ito ay may kaugnayan sa crimes against humanity na resulta ng war on drugs ng kanyang administrasyon.