Patuloy na nagpapaulan dito sa Northern Luzon ang shear line habang Northeast Monsoon naman o amihan ang nagpapaulan sa Extreme Northern Luzon.
Ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at ilang bahagi ng Cagayan Valley nakararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa shear line.
Ang Batanes naman ay may kaparehong lagay ng panahon dahil sa amihan.
Makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil localized thunderstorms ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.