Iginiit ng grupong BAYAN na ang umano’y mabagal at “selective” na imbestigasyon sa mga kaso ng katiwalian ang dahilan kung bakit nakakapagpumilit pa umanong makaalis ng bansa si dating House speaker Martin Romualdez sa halip na harapin ang pananagutan.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng grupo na kabilang si Romualdez sa mga dapat managot sa isyu ng umano’y “flood control scam,” na matagal nang kinukuwestiyon ng ilang sektor.

Nanawagan din ang BAYAN na agad na usigin at arestuhin ang lahat ng sangkot sa tinawag nilang malawak at sistematikong korapsyon sa gobyerno.

Partikular nilang tinukoy si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ayon sa kanila ay may kinalaman umano sa pagbabalangkas, pagpirma, at pagpapatupad ng budget na may mga “anomalous allocables, insertions, at unprogrammed appropriations.”

Giit ng grupo, dapat umanong managot ang lahat ng opisyal na may kaugnayan sa nasabing isyu, kasabay ng panawagang lahat ng sangkot dapat managot.

-- ADVERTISEMENT --