Inihayag ni US President Donald Trump na mabilis na matatapos ang giyera sa Iran, subalit sinabi din niya na hindi pa sapat ang panalo ng US at ang plano ay magkaroon ng “ultimate victory.”

Una rito, ipinahiwatig ni Trump na malapit nang matapos ang giyera sa Iran, kung saan sinabi niya na kumpleto na ang giyera.

Subalit sa kanyang mga unang pahayag ay sinabi niya na posibleng magtatagal ang Iran war ng maraming linggo.

Samantala, sinabi ni Israel na naglunsad sila ng ikalawang yugto ng pag-atake sa Tehran kahapon.

Ayon naman sa Turkey, United Arab Emirates, Kuwait at Qatar na nagharang nila ang mga missile ng Iran, habang sinabi naman ng Iran na may namonitor sila ng mga pag-atake mula sa Iran.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Uk Defense Secretary John Healey na ang tumama na drone sa British Base sa Cyprus nitong nakalipas na linggo ay posibleng mula sa Lebanon o Iraq.

Samantala, sinabi ni UK Chancellor Rachel Reeves na posibleng magdudulot ng pagtaas sa inflation ang giyera sa Iran, kasunod ng pulong ng G7 finance ministers.