Inihayag ni Nicholas Kaufman, abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), kung may nag-isip ba na imbestigahan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos igiit na nagpapatuloy ang mga vigilante killings kahit natapos na ang termino ni Duterte.

Ginawa niya ang pahayag sa harap ng hukuman sa ICC habang isinasagawa ang defense submissions sa continuation ng confirmation of charges hearings nitong Huwebes, Pebrero 26, kaugnay ng umano’y crimes against humanity ni Duterte.

Ayon kay Kaufman, batay sa ulat ng Dahas Project ng University of the Philippines (UP), 160 sa 342 na pagpatay ay isinagawa ng mga state agents sa unang taon ng administrasyon ni Marcos Jr.

Tumaas ang bilang ng killings mula 342 noong nakaraang taon hanggang 362 mula Hulyo 2023 hanggang Hunyo 2024, at 34% rito ay iniulat na isinagawa ng mga state agents.

Pinanindigan ni Kaufman ang tanong kung bakit ang mga kinatawan ng biktima ng war on drugs ay hindi nananawagan para sa pananagutan sa mga pagpatay.

-- ADVERTISEMENT --