Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na nagtungo siya sa Calaguas Island, Camarines Norte nitong Lunes, September 23, 2024.

Sinabi ni Duterte na binisita niya ang naturang lugar para tingnan ang sitwasyon ng mga residente.

Bukod dito, sinabi niya na nais na matukoy ng kanyang tanggapan ang mga problema na kinakaharap ng nasabing lugar.

Sa katunaya, sinabi ni Duterte na kabilang sa mga hinaing na ipinaabot sa kanila ay ang problema sa medical facility, internet acess, kawalan ng kuryente at access sa malinis na inuming tubig.

Ayon sa kanya, umalis siya ng umaga ng nasabing araw patungo sa Calaguas Island na wala umanong pagdinig sa ganoong oras ang kamara.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa report ng Vinzonz PNP, dakong alas 6:28 AM noong Lunes ng umalis ang grupo ni Duterte sa Calaguas Island at nakarating ito sa Vinzons na umaga rin iyon kung saan itinakda ang hearing para sa opisina ng pangalawang pangulo.