Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na susunod siya sa summons na ipinadala ng Senate impeachment court.

Sa panayam sa Kuala Lumpur, Malaysia, sinabi ni Duterte na naghahanda ang kanyang defense team sa kung paano gagawin ang pagsagot sa mga summon.

Matatandaan na isinilbi ng Senate impeachment court ang summons sa Office of the Vice President headquarters sa Mandaluyong City noong June 11.

Laman nito ang pitong seven articles of impeachment na ipinadala ng Kamara at inatasan ang bise presidente na maghain ng kanyang sagot sa loob ng 10 araw sa sandaling matanggap ang dokumento na walang extension.

Sinabi ni Senate President Francis Escudero, inatasan din si Duterte na magpakita sa Session Hall ng Senado sa Pasay City sa petsa at oras na itatakda ng Presiding Officer.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit, isang miyembro ng House prosecution panel ang nagsabi na nakakalito ang mga summon.

Ipinunto ni Impeachment prosecutor and Oriental Mindoro First District Rep. Arnan Panaligan na bago maglabas ng summon kay Duterte, ibinalik ng Senado ang articles of impeachment sa Kamara para ayusin ang umano’y legal infirmities.

Ayon sa kanya, karaniwan, kapag natanggap ang subpoena, kasama na dapat ang habla na kailangan na sagutin ng inaakusahan.