
Kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na posibleng maiisyu na sa December 15 ang arrest warrant laban kina Sen. Chiz Escudero, Sen. Joel Villanueva, Sen. Jinggoy Estrada, at kina former Senators Bong. Revilla at Nancy Binay.
Kaugnay pa rin ito ng katiwalian sa flood control.
Sa isang panayam, binigyang-diin ni Remulla na maaaring maaresto na ang naturang mga opisyal bago mag-Pasko.
Samantala, iniimbestigahan din umano ng ahensya sina dating senador at Sonny Angara at former senator Grace Poe.
Ayon sa Ombudsman, kung sino mang dalhin ng ebidensya – ilalatag nila sa husgado.
-- ADVERTISEMENT --
Bagaman naging kaibigan din umano niya ang nabanggit na mga pangalan, trabaho niya pa rin ang nangingibabaw.
Ani Remulla, wala siyang aatrasan hinggil sa isyung ito.










