Nadulas si Willie Revillame tungkol sa pagkakaroon ng mga anak nina Coco Martin at Julia Montes sa kanyang bago bagong show.

Ito ay habang matagal na tikom ang bibig ng dalawa tungkolsa kanilang relasyon.

Isa si Martin na bumati kay Revillame sa pamamagitan ng video sa pagkakaroon muli niya ng show at nagpasalamat naman siya sa aktor, kay Julia at sa kanilang mga anak.

Wala pang kumpirmasyon sina Martin at Montes sa ibinulalas ni Revillame.

Matatandaan na kinumpirma ni Martin ang 12 taon na relasyon nila ni Montes noong May 2023.

-- ADVERTISEMENT --

Kasunod nito ay kumalat din ang mga tsismis na mayroon na silang mga anak.

Sa kabila nito, pinili ng dalawa na panatilihing pribado ang kanilang relasyon.