Handa na ang nasa 100 bangka na gagamitin ng mga atleta at delegado sa fluvial parade kasabay ng pagbubukas ng Paris 2024 Olympics.

Ayon kay BINC Lucio Cruz Sia, Jr mula Paris, France, kalahati mula sa 10,500 na atleta sa buong mundo ang sasakay sa bangka para sa parada ng mga atleta sa Seine river.

Kasabay nito ay excited na ang lahat sa opisyal na pagbubukas ng pinakamalaking sporting event sa buong mundo kung saan mas hinigpitan pa ang seguridad sa mga lugar na pagdarausan ng Opening Ceremony.

Nasa 53K naman na Paris Police ang nakadeploy upang siguruhin ang seguridad ng mga atleta at delegado.

Sa ngayon ay hindi pa aniya inaanunsyo kung sinu-sino ang mga magpeperform sa Opening Ceremony na gaganapin sa Biyernes, Hulyo-26.

-- ADVERTISEMENT --