TUGUEGARAO CITY-Naipamahagi na sa mga benipisaryo ang 200 sacks ng bigas na mula sa Bombo radyo Philippines foundation inc. na unang ipinasakamay sa Saint Vincent Ferrer Parish Church sa bayan ng Solana, Cagayan, kahapon.

Nasa dalawang libong pamilya ang naging benipisaryo kung saan tig-limang kilo ng bigas ang natanggap.

Sa bayan ng solana ay kanilang pinuntahan ang Sitio Ipil sa barangay Bauan East, Brgy. Malacabibi at Dassun.

Tig-40 sako ng bigas naman ang ibinahagi sa Our Lady of Snows Parish sa bayan ng Enrile, Padre de Pio Parish sa Alcala at parokya ng Saint Vincent Ferrer Cordova sa Western Amulung.

Kaugnay nito, labis ang pasasalamat ng mga residente sa natanggap na ayuda dahil malaking tulong ito habang bumabangon matapos ang naranasang kalamidad.

-- ADVERTISEMENT --