Dumating na sa Basco Port, Batanes ang nasa 5,000 family food packs (FFPs) na augmentation support ng DSWD Field Office 2 para sa lokal na pamahalaan ng Itbayat.

Sa ilalim ng direktiba ni DSWD Sec. Rex Gatchalian, tiniyak na may sapat na suplay ng relief goods sa iba’t ibang LGU bilang paghahanda sa panahon ng emergency.

Maayos namang naibaba ang mga family food packs sa pammagitan Ng pagtulong-tulong ng mga kawani ng DSWD , SWAD-Batanes, katuwang ang Provincial Government Unit ng Batanes, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Provincial Social Welfare and Development Office, Philippine Navy, Philippine Marines, Philippine National Police (PNP), CAFGU, Naval Reservists, Philippine Coast Guard, at Bureau of Fire Protection (BFP).

Nakatakda namang ipadala Ang family foods packs sa itbayat batanes Sakaling gumanda ang panahon bukas august 12 taong kasalukuyan.