
Magkakaroon ng probisyon sa kasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos sa ilalim ng Pax Silica initiative na tahasang kumikilala sa soberanya ng Pilipinas sa mga proyektong itatayo sa New Clark City.
Ayon kay Trade Undersecretary Ceferino Rodolfo, mananatiling teritoryo ng Pilipinas ang Clark Advanced Manufacturing Park at walang diplomatic immunity para sa mga dayuhang manggagawa rito.
Inaasahang lalagdaan sa Nobyembre ang master agreement para sa proyekto, kung saan ipapaupa ng Bases Conversion and Development Authority o BCDA ang 1,620 ektarya ng lupa.
Bahagi ito ng 4,000-acre industrial hub sa Luzon Economic Corridor na nakatuon sa pagproseso ng minerals at paggawa ng high-tech components para sa artificial intelligence at semiconductors.
Target ng proyekto ang paunang $10-bilyong investment at inaasahang lilikha ng hanggang 150,000 direct high-value jobs, 50,000 construction jobs at hanggang 800,000 indirect jobs.








