
Hindi nagkomento ang Chinese Embassy sa alegasyon ni dating Senador Antonio Trillanes IV na tumanggap umano ng pondo mula sa China si Vice President Sara Duterte.
Ayon sa embahada, usaping domestic politics ito ng Pilipinas kaya no comment.
Sa press conference ni Trillanes nitong Biyernes, ibinunyag ng dating senador na umabot sa halos 500 milyong piso ang umano’y natanggap ni VP Sara at asawa nitong si Manases Carpio mula sa China.
Batay sa mga dokumentong inilabas ni Trillanes, P319 million mula sa mga Chinese corporations ang natanggap umano ng Cale88 Foods Corporation, na pag-aari ni Carpio.
P150 million na donasyon naman mula sa Chinese Embassy ang natanggap umano ng Tapang at Malasakit Foundation ni VP Sara para sa pagpapatayo ng 13 classroom buildings.
Sinabi ni Trillanes na may usapin ito sa national security dahil sangkot umano ang pera mula sa Chinese government at mga kumpanyang nakabase sa China.









