
Ibinunyag ni Vice President Sara Duterte na nais ng kaniyang ina na si Elizabeth Zimmerman na si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang tumakbo sa national elections.
Ayon kay Sara, hinikayat siya ng kaniyang ina na umuwi sa Davao at si Baste na lamang ang tumakbo sa national elections.
Gayunman, nilinaw ng Bise Presidente na hindi nila napag-uusapan ng kaniyang kapatid ang posibleng pagtakbo nito bilang pangulo o sa ibang national position.
Hindi rin tinukoy ni Sara kung anong partikular na posisyon ang nais ng kaniyang ina para kay Baste.
Samantala, sinabi ni Sara na wala pa siyang ibang naiisip na taong nais niyang tumakbo sa anumang posisyon sa ngayon.
Ang pahayag ay ginawa habang patuloy ang usapin sa mga posibleng kandidatura para sa 2028 national elections.










