Nagpatupad ng work stoppage order ang Department of Labor and Employment o DOLE laban sa The Icon Clinic ni celebrity plastic surgeon Eric Yapjuangco, o mas kilala bilang Doc Yappy.

Kasunod ito ng pag-usbong ng mga reklamo kaugnay ng umano’y medical malpractice sa ilang cosmetic procedures, na tinalakay ni Senator Raffy Tulfo sa isang pagdinig ng Senado.

Kinuwestiyon ni Tulfo ang umano’y mabagal na aksyon ng Philippine Regulatory Commission laban sa mga reklamo sa ilang surgeon at clinic.

Nabanggit din ang pagkamatay ng mga pasyente matapos sumailalim sa magkakasunod na cosmetic procedures, kabilang ang isang kaso noong Marso 2026 na iniugnay sa The Icon Clinic.

Humingi na rin ng tulong sa National Bureau of Investigation ang anak ng nasawing pasyente.

-- ADVERTISEMENT --