Makakaharap ni Filipina tennis star Alex Eala ang isang qualifier sa unang round ng Wuhan Open na gaganapin mula Oktubre 12 hanggang 18, 2026, sa Wuhan, China.

Si Eala ang ika-13 seed sa torneo batay sa draw na inilabas nitong Sabado.

Posible naman niyang makaharap sa susunod na round sina Leylah Fernandez ng Canada o Ekaterina Alexandrova ng Russia, depende sa magiging resulta ng mga laban.

Matatandaang hindi lumahok si Eala sa Beijing Open upang katawanin ang Pilipinas sa Asian Games, kung saan nagwagi siya ng bronze medal.