Nanawagan si Senador Alan Peter Cayetano na pairalin ang diplomasya at diyalogo sa gitna ng tensiyon sa pagitan ng mga bansa upang maiwasan ang paglala ng mga sigalot.

Ayon kay Cayetano, madaling magpakita ng katapangan ang mga opisyal ng pamahalaan dahil komportable ang kanilang kalagayan, kumpara sa mga mamamayang maaaring direktang maapektuhan ng mga alitan sa pagitan ng mga bansa.

Binigyang-diin din ni Cayetano na dapat unahin ng Pilipinas ang sariling pambansang interes sa pakikipag-ugnayan sa Estados Unidos at China, sa halip na kumiling sa alinmang bansa.

Giit ng senador, dapat nakasentro sa kapakanan ng Pilipinas ang mga desisyon at ugnayang panlabas ng bansa.