Muling magbubukas ang voter registration ng Commission on Elections (Comelec) sa Nobyembre 10 bilang paghahanda sa 2028 national at local elections.

Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, tatagal ang rehistrasyon hanggang Hulyo 30, 2027.

Inaanyayahan ang mga hindi pa rehistradong botante, gayundin ang mga kailangang magpa-reactivate, maglipat ng rehistro, magpa-reactivate ng record o mag-update ng kanilang personal na impormasyon, na samantalahin ang itinakdang panahon.

Tinatayang aabot sa 74 milyon ang mga Pilipinong magiging kuwalipikadong bumoto sa halalan sa Mayo 2028. Inaasahan din ng Comelec na madaragdagan pa ito ng isang milyon para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Nobyembre 2028.