Apektado ang planta ng ADAMA, gumagawa ng active ingredients at crop protection materials, sa Makhteshim, timog ng Israel, matapos tamaan ng isang Iranian missile o debris mula sa isang interceptadong missile nitong Linggo. Walang naiulat na nasugatan.

Ayon sa ADAMA, na bahagi ng Chinese-owned Syngenta Group, hindi pa agad matukoy ang lawak ng pinsala sa planta.

Nag-ulat naman ang Israeli fire and rescue service ng sunog sa isang industrial area sa timog Israel, na kinaroroonan ng ilang planta ng kemikal at iba pang industriya, kasunod ng missile attack.

Pinayuhan ang publiko na umiwas sa Ne’ot Hovav industrial area dahil sa presensya ng mga “hazardous materials,” habang 34 fire crews ang nagtatrabaho upang makontrol ang apoy.

Anila, ligtas ang publiko sa distansyang lampas 800 metro mula sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --