TUGUEGARAO CITY-Umakyat na sa 310 ang aktibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa rehiyon dos matapos makapagtala ng sampung bagong kaso ng virus.
Batay sa datos na ibinahagi ng Department of health (DOH)-region 2, mula sa bagong bilang ng kaso ng covid-19, walo dito ay mula sa Isabela at dalawa sa Cagayan.
Nasa 23 naman ang bagong naitalang nakarekober mula sa virus kung saan 13 dito ay mula sa Isabela, anim sa Cagayan at apat sa Nueva Vizcaya.
Sa kabuuan, umakyat na sa 2,881 ang kumpirmadong kaso ng covid sa rehiyon, pinakamaraming may naitala ang probinsya ng Isabela na may 1,403 sunod ang Cagayan na may 711, Nueva Vizcaya na may 616, Santiago City na 142, pito sa Quirino at dalawa sa Batanes.
Umabot naman sa 2,528 ang bilang ng mga nakarekober habang 43 ang nasawi dahil sa virus.
Samantala,nasa 33 naman ang aktibong kaso ng covid-19 ang kasalukuyang minomonitor sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) kung saan 19 dito ay mula sa Cagayan, 12 sa Isabela at tig-isa sa Kalinga at Apayao.
Bukod dito, sampung suspected cases din ang nasa naturang pagamutan, siyam ay mula sa Cagayan at isa sa Aurora,Isabela.