Ililipat umano si Alice Guo o Guo Hua Ping sa Pasig City jail mula sa custodial center ng Philippine National Police (PNP).

Subalit, hindi sinabi PNP spokesperson Col. Jean Fajardo kung kailan ang paglilipat kay Guo.

Ayon kay Fajardo, kailangan pa na sumailalim si Guo sa initial arriagment sa Valenzuela Regional Trial Court (RTC) ngayong hapon.

Matatandaan na naglabas ng warrant of arrest ang Tarlac Regional Trial Court Branch 109 laban kay Guo noong Sept. 5 dahil sa paglabag umano sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Inilipat ang kaso mula sa Tarlac RTC sa Valenzuela RTC.

-- ADVERTISEMENT --

Nagtakda ang korte ng P180,000 na piyansa para kay Guo, subalit hindi siya nagpiyansa at nananatili siya sa PNP custodial center sa Camp Crame buhat noong Sept. 6.