Inatasan ni Tuguegarao City Mayor Maila Ting Que ang mahigpit na pagbabantay ng mga otoridad kay Jude Ballad, 34 anyos at security guard matapos ang tangkang pagpapakamatay nito sa kulungan ng Tuguegarao Police Station.

Una rito ay nakatanggap ang mayora ng tawag mula sa chief of police ng PNP Tuguegarao kaugnay sa pagtatangka umano ng suspek na kitilin ang kanyang buhay.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagpaalam si Ballad na gagamitin nito ang banyo na nasa loob rin mismo ng kanilang selda.

Makalipas aniya ng ilang minuto ay napansin ng mga kasama nitong bilanggo na hindi pa lumalabas ang suspect sa kanilang banyo kung kaya’t nang tignan nila ito ay nakita ang dugo sa bahagi ng kanyang katawan.

Dito na napag alaman na tinangka umanong magpakamatay ng suspect.

-- ADVERTISEMENT --

Agad naman naisugod sa Cagayan valley medical center (CVMC) ang suspek at nalapatan ng agarang lunas sa bahagi ng kanyang leeg at puson na kanya mismong sinaksak.

Napag alaman na ginamit aniya ng suspek ang kutsara na binigay ng kanyang pamilya na gagamitin sana niya sa pangkain ngunit kanya itong pinutol at isinaksak sa sarili.

Maalalang sinaksak ni Ballad ang kanyang sariling anak na 16 anyos na si Yeshaya Kate Ballad noong July 25 ng gabi dahilan ng kanyang agarang pagkamatay sa Barangay Carig Norte, Tuguegarao City.

Sa ngayon ay patuloy pang inoobserbahan ang suspect at sa oras na maging maayos na ang kalagayan nito at makalabas na sa ospital ay plano na ihiwalay ang kanyang selda upang mamonitor at maiwasan ng mang