Kinumpirma ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na binugbog ng mga residente ng Boracay ang kanyang anak nalalaki na si Julian Ejercito at kanyang pamangkin na si Jefferelly Vitug noong umaga ng Sabado.
Sinabi ni Estrada na nakabakasyon ang dalawa sa Boracay, at pauwi na mula sa isang bar nang atakehin sila ng tatlong kalalakihan.
Sinabi umano ng isa sa mga suspek na masyadong maangas ang kanyang pamangkin.
Ayon kay Estrada, na wala namang nangyaring komprontasyon sa pagitan ng mga biktima at suspek sa loob ng bar, at mapapatunayan ito sa pamamagitan ng CCTV footage.
Nagtamo si Julian ng sugat sa kanyang ulo at naputol ang kuko ng isa niyang daliri sa paa matapos siyang pagtatadyakan hanggang sa matumba.
Nagtamo naman ng injury sa kanyang ilong ang kanyang pamangkin.
Kapwa na sila nagpapagaling sa isang ospital.
Sinabi ni Estrada na pumunta siya sa Boracay kahapon at naghain sila ng kaso laban sa mga suspek.
Ayon sa kanya, bagamat may naihain ng kaso, tiwala siya na iimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente at mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanyang anak at pamangkin.