
Sugatan ang apat na katao matapos ang pagtama ng dalawang drone mula sa Iran malapit sa Dubai International Airport kahapon.
Nagtamo ng minor injuries ang dalawang Ghanaians at isang Bangladeshi sa insidente, habang mas malala ang sugat na tinamo ng isang Indian national.
Sa kabila nito, normal pa rin ang operasyon ng air traffic sa nasabing paliparan.
Sinabi naman ng mga awtoridad Abu Dhabi na ang sunog ay bunsod ng debris mula sa naharang na missiles sa lumang paliparan sa kagabi.
Wala namang naitalang nasugatan sa insidente.
Ligtas naman na nakaalis ang isang eroplano matapos ang drone attack, kung saan nakalapag ito ng ligtas sa Dubai.
Buhat nitong araw ng Martes, may nakita ang air defense systems ang UAE na 1,475 drones mula sa Iran buhat nang kaguluhan noong Sabado.
Ayon sa Ministry of Defence, sa nasabing bilang ng drones, 1385 ang naharang, kung saan 90 ang bumagsak sa lupa.
Matatandaan na pansamantalang sinuspindi ng Dubai International Airport ang kanilang operasyon noong March 7, bunsod ng mga bumabagsak na debris mula sa missile na nahaharang ng UAE.
Muling binuksan ng paliparan ang kanilang operasyon sa limitadong bilang ng flights mula March 2, kasunod ng pagsasara ng airspace.
Nagtamo ng pinsala ang Dubai International at Zayed International airports sa drone attacks ng Iran sa simula ng pag-atake sa Iran noong Pebrero 28, karamihan ay bunsod ng mga nahuhulog na debris mula sa nahaharang na missiles sa himpapawid.










