CTTO

TUGUEGARAO CITY-Pansamantalang papayagan ng Philippine National Police (PNP) ang back-ride sa motorsiklo kahit na walang protective barrier sa mga mag-asawa.

Ayon kay P/col Ariel Quilang, Director ng Cagayan PNP, kinakailangan lamang na magpakita ng patunay na ang magka-angkas ay mag-asawa.

Ngunit, kung hindi naman mag-asawa ay kailangan maglagay ng barrier para masunod ang ibinabang direktiba ng national Inter-Agency Task Force.

Aniya, hanggang ngayon ay kasalukuyan pa ring hinihintay ang ibabang standard model na gagamitin sa barrier para sa back-ride policy.

Tinig ni P/col Ariel Quilang

-- ADVERTISEMENT --