Nasurpresa umano ang isa sa mga bagong doktor matapos na mapasama siya sa topnotchers sa Physician Licensure Examination (PLE) nitong buwan ng Marso.

Sinabi ni Dr. Ericson Lloren Luyun ng Tuguegarao City, rank 5 sa nasabing exam na hindi niya inakala na makakasama siya sa top notchers dahil sa napakahirap ng exam lalo na sa preventive medicine.

Sinabi ni Luyun na sa ngayon ay hihintayin niya ang deployment niya mula sa Department of Health, dahil siya ay Iskolar ng Bayan ng Commission on Higher Education.

Nagpapasalamat siya sa CHED dahil sa ibinigay sa kanya na oportunidad dahil hindi umano niya makakayanan ang gastusin sa pag-aaral ng medisina kung wala ang tulong pamahalaan.

Subalit ang hiling niya ay dapat na madagdagan ang slots para sa mga Iskolar ng Bayan dahil sa kailangan ng mga malalayong lugar ang mga doktor.

-- ADVERTISEMENT --

Si Luyun ay licensed Medical Technologists bago itinuloy ang pag-aaral sa medisina sa Cagayan State University sa Tuguegarao City.