Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang dating sundalo at ngayo’y Kagawad ng Brgy Lanna, Tumauini, Isabela matapos salakayin ng mga otoridad ang kanyang tahanan at madiskubre ang mga nakatagong baril, bala at granada.

Nakumpiska mula sa bahay ng suspek na si Isabelo Maggay, 55 anyos, may asawa ang mga bala ng ibat-ibang kalibre ng baril, dalawang piraso ng hand grenade at isang cal.45 pistol.

Ang bahay ni Maggay ay sinalakay ng mga otoridad sa bisa ng search warrant dahil sa pag-iingat ng mga hindi lisensyadong baril at mga pampasabog.

Kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms, Ammunition Regulation Act at Republic Act 9516 o Law on Illegal Possession of Ammunition and Explosives ang isasampa laban sa suspek.