Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa isang sementeryo sa bayan ng Tuao, Cagayan.
Kinilala ni PCAPT Jenifer Calluad Deputy chief of police ng PNP Tuao nag biktima na si Crisologo Orog at residente ng Brgy.Caggay, Tuguegarao City.
Ayon kay Calluad, nakilala ang naturang bangkay dahil sa pagkukumpirma ng asawa nito.
Lumalabas sa imbestigasyon na bandang hapon ng December 31, 2024 ay nagpaalam aniya ang biktima sa kanyang maybahay na bibisita ito sa kanyang kaibigan kung saan magkikita sana umano ang mga ito sa isang mall dito sa lungsod ng Tuguegarao.
Matapos nito ay hindi na umano nakabalik pa ang biktima sa kanilang tahanan.
Bandang 10:30 aniya ng January 1, 2025 ay natagpuan ng isang caretaker ng sementeryo ang biktima na wala ng buhay sa loob ng sementeryo.
Nakita umano ang biktima na sumakay ng jeep papuntang bayan ng Tuao.
Aniya, wala namang nakikitang foul play ngunit ikinokonsiderang suicide indicent umano ang nasabing insidente.
Dagdag pa ni Calluad na ang nasabing bangkay ay may katabi umanong lagayan ng bottled water kung saan nakalagay rin ang medisina.
Sa ngayon ay inaalam pa ang totoong dahilan ng pagkamatay ng biktima dahil wala naman umanong nakitang galos sa katawan nito.