Minaliit lamang ni US President Joe Biden ang mga puna sa kaniyang naging hakbang sa katatapos na presidential debate nila ni dating Pangulong Donald Trump.

Matapos ang debate ay nagsagawa si Bident at Vice President Kamala Harris ng presidential campaign sa North Carolina.

Inamin na ito na kahit na naging mahina ang kaniyang performance sa debate kung saan humina ang kaniyang pananalita at paglalakad ay alam niyang kaya niyang tapusin ang anumang trabaho bilang isang pangulo.

Hindi rin nito pinalampas na batikusin si Trump kung saan maririnig na pawang mga kasinungalingan ang pinagsasabi ng dating pangulo.