Asahan na naman ang panibagong oil price increase simula sa araw ng Martes, October 15.
Nasa P2 per liter ang idagdag sa kasalukuyang presyo ng langis bunsod ng lumalalang kaguluhan sa Middle East.
Batay sa pagtaya ni Rodela Romero, director of the Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau, tataas ng P2 hanggang P2.30 ang gasolina, P2.35 hanggang P2.65 naman sa diesel at P2.45 hanggang P2.55 per liter ang kerosene.
Iniaanunsiyo ng mga kumpanya ng langis ang kanilang mga presyo kada Lunes, at ipinapatupad naman sa Martes.
Nitong nakalipas na linggo, ipinatupad ng ang pagtaas sa presyo ng diesel sa P1.20 at 70 centavos perliter, batay sa pagkakasunod.
-- ADVERTISEMENT --