TUGUEGARAO CITY-Nakapagtala ng 68 na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa rehiyon dos na inilabas ngayong araw, Enero 11, 2021.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH)-R02, umakyat na sa 5,759 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa rehiyon.
Nasa 603 naman ang aktibong kaso kung saan 97.5 percent nito ay asymptomatic.
Dalawang katao naman ang bagong naitalang nasawi dahil sa covid-19 kung kaya’t umabot na sa 95 ang bilang ng mga namatay dahil sa virus.
Umabot na rin sa 5,058 ang bilang ng mga nakarekober matapos muling makapagtala ng 24 na bagong nakarekober mula sa nakamamatay na sakit.
-- ADVERTISEMENT --