TUGUEGARAO CITY – Posible umanong ang kinakaharap na kaso sa korte ang dahilan ng pagbigti sa puno ng isang binata sa bayan ng Peñablanca, Cagayan.

Ayon kay Police Corporal Mark Edillion Peralta ng PNP-Peñablanca, nadatnan ng kanyang ina ang nakabiting katawan ng 22-anyos na biktima sa puno ng G.Melina malapit sa kanilang bahay gamit ang electrical wire.

Nabatid na ito na ang ikatlong pagkakataon na nag-suicide ang biktima ngayong taon nang malaman na sinampahan siya ng kasong panggagahasa ng ina ng kanyang kasintahan.