Kulong ang isang 17 anyos na binatilyo matapos nitong bantaan at takutin ang 13 anyos sa bayan ng Sta.Ana Cagayan.

Kinilala ni PMAJ Ranulfo Gabatin chief of police ng PNP Sta. Ana ang biktima na si Alyas Jane, grade seven at residente ng Brgy. Rapuli habang ang suspect naman ay si Alyas MJ at estudyante ng isang eskwelahan sa nasabing bayan.

Dumulog ang biktima sa pulisya upang ipaalam na siya ay binabantaan na maglalabas ng kanilang di magandang videos na nakunan habang sila ay nagkaka-chat at nagvi-video call ni MJ.

Agad na nagsagawa ng entrapment operation ang kapulisan kasama ang mga magulang ng biktima.

Nahuli ang suspect pati na rin ang ginagamit nitong cellphone na pagbabanta sa biktima.

-- ADVERTISEMENT --

Lumalabas sa imebstiagsyon na nagkakilala lamang ang dalawa noong June 19 at nagkausap umano sa video call at nagpakitaan pa ng maseselang bahagi ng kanilang katawan.

Nang ayaw na umano ng bata ang kanilang ginagawa ay pinipilit pa rin siya at tinakot na ikakalat niya ang kanyang video sa scoial media.

Sa ngayon ay hawak na ng Municpal Social Worker and Development Office ang suspect at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9995 o Anti Photo and Video Voyeurism Act at grace threat.