Nananawagan ang Bureau of Customs sa mga Overseas Filipino Workers at mga pamilya nito na e-claim ang nasa 294 balikbayan boxes na ipinadala sa Pilipinas noong 2023.

Batay sa Customs, dumating ang mga balikbayan boxes sa Pilipinas mula sa Kuwait noong February 12, 2023 at nasa warehouse ngayon sa Santa Ana, Manila.

Ayon sa BOC, nasa 450 boxes na ang na-distribute nila.

Maaari namang e-check ng mga OFWs at ng kanilang Pamilya ang mga unclaimed balikbayan boxes sa BOC website.

Para ma-claim ang mga balikbayan boxes, kinakailangan dalhin ng recipients ang mga sumusunod na dokumento:

-- ADVERTISEMENT --

•Passport ng Sender (original o photocopy)
•Isang valid government-issued ID (original o photocopy)
•Proof of shipping gaya ng invoice, o bill ng lading (original o photocopy)

Samantala, yung mga kukuha ng balikbayan boxes sa ngalan ng ibang tao, ay kinakailangang magdala ng karagdagang requirements:

•Notarized authorization letter o special power of attorney
•Valid ID ng representative