
Ipatatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang organizer ng BOSS Ironman Challenge Mindanao Cup 2026 na BMW Owners’ Society of Safe Riders (BOSS).
Ito ay bunsod ng sunod-sunod na ulat at viral footage sa social media na nakita ng LTO, na may kaugnayan sa magkakasunod na aksidente at umano’y paglabag sa batas trapiko.
Tinitingnan ang posibleng paglabag sa trapiko tulad ng overspeeding, paggamit ng unauthorized vehicle accesories, illegal blinkers, modification, hindi paghinto sa red light, at pagbalewala sa lane markings.
Dahil sa umano’y paglabag ay nauwi ito sa insidente na ikinasawi ng 7-anyos na bata at isang 46-anyos na rider sa Kibawe, Bukidnon.
Ilang aksidente rin ang naiulat sa Datu Odin Sinsuat, Kapatagan, Laguindingan, Talakag, at Lantapan.
Kaya naman agad insiyuhan ng show cause order ang BOSS upang magpaliwanag sa mga alegasyon at posibleng kaso kaugnay ng mga insidente.
Samantala, patuloy pa ang imbestigasyon ng LTO’s Intelligence and Investigation Division (IID) para sa karagdagang ebidensya.










